Kadete nalunod sa sapa

CAMP VICENTE LIM, Laguna – Nagwakas ang pangarap na maging pulis ng isang 36-anyos na lalaki makaraang malunod sa sapa habang nasa kasag­sagan ng malakas na buhos ng ulan sa Silang, Cavite kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni P/Chief Inspector Christopher Olazo, Si­lang police chief, ang biktima na si Cadette First Class Rea­gan Marquina ng Ba­rangay Batas, Silang, Cavite at miyembro ng “Kaisang Bisig” Class 2009 Delta Company ng Philippine National Police Academy.

Ayon sa police report, lumabas ng barracks si Mar­quina kasama ang kapwa kadete na si Cadette 4th Class Jay S. Alvarez upang bu­mili umano ng pagkain sa ka­lapit na clubhouse ng ka­nilang barracks bandang alas-2:45 ng hapon.

Nang pabalik na ang da­lawang kadete, nagpasyang dumaan sa may sapa para mas mabilis dahil shortcut ito pabalik sa kanilang barracks.

Dahil sa malakas ang ulan, tinangay ng malakas na alon si Alvarez na nagbunsod para naman sagipin ni Marquina ang kaibigan hanggang sa tuluy-tuloy naman itong malunod. Arnell Ozaeta at Cristina Timbang

Show comments