Kadete nalunod sa sapa
CAMP VICENTE LIM, Laguna – Nagwakas ang pangarap na maging pulis ng isang 36-anyos na lalaki makaraang malunod sa sapa habang nasa kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan sa Silang,
Kinilala ni P/Chief Inspector Christopher Olazo, Silang police chief, ang biktima na si Cadette First Class Reagan Marquina ng Barangay Batas, Silang, Cavite at miyembro ng “Kaisang Bisig” Class 2009 Delta Company ng Philippine National Police Academy.
Ayon sa police report, lumabas ng barracks si Marquina kasama ang kapwa kadete na si Cadette 4th Class Jay S. Alvarez upang bumili umano ng pagkain sa kalapit na clubhouse ng kanilang barracks bandang alas-2:45 ng hapon.
Nang pabalik na ang dalawang kadete, nagpasyang dumaan sa may sapa para mas mabilis dahil shortcut ito pabalik sa kanilang barracks.
Dahil sa malakas ang ulan, tinangay ng malakas na alon si Alvarez na nagbunsod para naman sagipin ni Marquina ang kaibigan hanggang sa tuluy-tuloy naman itong malunod. Arnell Ozaeta at Cristina Timbang
- Latest
- Trending