2 Marines dedo sa ambus

Dalawang kawal ng Philippine Marines ang iniulat na nasawi matapos ratratin ng mga armadong kalalakihan sa bisinidad ng Barangay Kan­dayok sa ba­yan ng Pa­na­mao, Sulu ka­hapon Saba­do ng umaga.

Sa phone interview, ki­numpirma ni 2nd Marine Brigade Commander Col. Ce­les­tino Pereyra, ang pag­ka­matay ng dalawang enlisted personnel ng Philippine Marines na kapwa kasapi ng Marine Battalion Landing Team 11 subalit pansaman­talang hindi ti­nukoy ang mga pangalan dahil kailangan pang im­pormahan ang kani­lang mga pamilya.

Ayon kay Pereyra, nag­sa­sagawa ng security patrol ang dalawang sundalo na lu­lan ng motorsiklo nang tam­bangan bandang alas-7 ng umaga.

Sa tala, ang Sulu ay pi­na­mumugaran nina Abu Sayyaf Commander Al­bader Parad, Radulan Sa­hiron at Abu Jumdail, alyas Doc Abu Pula kung saan ayon kay Pereyra ay kasa­lukuyan pang dinedeter­mina kung kaninong grupo ang respon­sable sa pana­nambang. Joy Cantos

Show comments