^

Probinsiya

Ika-3 pambobomba sa Cotabato nasilat

-

GENERAL SANTOS CITY– Matinding ta­kot nga­yon ang nangingi­ba­baw sa mga residente ng North Cotabato kung saan tatlong improvised explosive device na ang nadis­kubre ng mga alagad ng batas.

Sa ulat ni P/Chief Supt. Felizardo Serapio, Jr. pani­bagong bomba na naka­lagay sa maliit na kahon ang natag­puan malapit sa Japs Swimming Resort may ilang metro lamang ang layo mula sa bahay ni Ma­yor Lito Piñol sa hang­ga­nan ng Dagohoy Street at Barangay Dung­guan sa bayan ng M’lang, North Cotabato, noong Biyernes ng gabi.

Ito ang pangatlong bom­ba na nai-detonate ng pu­lisya sa bayan ni Vice Gov. Em­manuel Piñol.

Sa tala ng pulisya, noong Biyernes ng umaga, isang bomba rin ang nare­kober at na-detonate sa Pilot Elementary School sa bayan ng M’lang.

Noong Huwebes naman ay isa pang bomba ang nare­kober sa terminal ng Kida­pawan City.

Nadakip naman si Ali­muddin Norudin Langalen, alyas Nurudin Alilaya ng Brgy. Dunguan, M’lang, na pangunahing suspek sa pambobomba noong Hu­webes sa pamilihang ba­yan ng M’lang.

Naniniwala naman si Mayor Piñol, na pananakot ng grupong MILF dahil pa rin sa mainit na usapin ng Memorandum of Agreement on Ancestral Domain na mariing tinututulan ng bise-gobernador. Malu  Manar at Boyet Jubelag

vuukle comment

ANCESTRAL DOMAIN

BARANGAY DUNG

BIYERNES

BOYET JUBELAG

CHIEF SUPT

DAGOHOY STREET

NORTH COTABATO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with