Pastor tinodas sa trike

BANAUE, Ifugao – Isa na namang kaso ng pama­maril ang naitala sa lala­wigan ng Ifugao kung saan napatay ang isang Pentecostal pastor ng senglot na hunter sa bayan ng Ba­naue noong Martes  ng umaga

Idineklarang patay sa Ifugao General Hospital ang biktimang si Pastor Marvin Osao samantalang sumuko naman ang sus­pek na si James Dinang­hay, 23.

Sa ulat ni P/Senior Supt. Joseph Adnol, nasa loob ng traysikel ang biktima ka­sa­ma ang barangay ka­gawad na si Frederick Maguiling nang barilin ng suspek na bit­bit ang M16 Armalite rifle.

Sinikap na payapain ni Maguiling ang suspek sa pa­mamaril subalit tumakas pa­tungo sa kabundukan hang­gang sa sumuko ito sa paki­kipag-ugnayan sa kanyang mga kaanak.

Samantala, patuloy na­man tinutugis ng pulisya si Masi Dulawan na pangu­nahing suspek sa pama­maslang sa isang 18-anyos na si Philipp Madawast ng Poblacion East sa bayan  ng Lagawe.

Malubha naman nasu­gatan ang isa pang 18-anyos na Tyron Tangulling na tinamaan ng bala ng baril sa tiyan noong Agosto 3. Artemio A. Dumlao

Show comments