Cell site sinunog ng caretaker

Isang caretaker sa isang cell site ng Smart Telecommunications sa Gonzaga, Cagayan ang inaresto at ikinulong ng pulisya nang matukoy na siya ang sumu­nog dito noong Miyerkules.

Kinilala sa ulat kahapon ang suspek na si Rowell Conception, residente ng Barangay Progressive, Gon­zaga.

Si Concepcion ang na­tukoy na siyang nasa likod ng panununog sa Storage Cabin ng Smart cell site sa Barangay Pateng, Gon­zaga.

Lumilitaw sa imbesti­gasyon na paghihiganti ang motibo ng suspek matapos itong matanggal sa trabaho.

Bukod dito ay inirerek­la­mo nito ang mababa umano niyang suweldo at palaging pagkakaantala ng kaniyang allowances.

Noong Hunyo 29 ma­tapos na sibakin sa trabaho ay hinarang pa umano ng suspect ang iba pang mga caretaker na bumisita at mag-deliver ng crude oil sa nasabing cell site.

Nagpadala rin umano ito ng text message sa isa sa mga Engineer ng Smart cell site at humihingi ng P20,000 dahilan ang  lu­pain na kina­titirikan umano ng naturang Telecoms ay pag-aari ng kaniyang pa­milya. (Joy Cantos)

Show comments