2 NPA dedo sa bakbakan
Camp Guillermo Nakar, Lucena City – Dalawang hinihinalang miyembro ng New People’s Army ang napatay samantalang sugatan naman ang isang sundalo matapos maganap ang isang engkuwentro sa Barangay Talingling, Calauag, Quezon kahapon ng umaga. Kinilala ni Army Captain Lea Santiago, public information officer ng Southern Tagalog Command, ang sugatang sundalo na si Private First Class (PFC) Jerwin Mosqueta, miyembro ng 74th Infantry Brigade ng Philippine Army. Hindi pa rin nakikilala ang dalawang rebelde na napatay sa sagupaan na tumagal ng apat na oras. (Arnell Ozaeta)
- Latest
- Trending