^

Probinsiya

Pasaway na MILF kumander aarestuhin

- Joy Cantos -

Isisilbi ng pamahalaan ang warrant of arrest  laban kay Commander Ameril Umbrah Kato sa Moro Islamic Liberation Front Central Committee sa kinaka­harap nitong mga kasong arson, multiple murder at robbery kaugnay ng puwer­sahang pagsakop sa 15 barangay na nasasakupan ng ilang bayan sa North Cotabato.

Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni Department of Interior and Local Government Secretary Ronaldo Puno na pursigido ang pama­halaan na sampa­han ng kasong kriminal ang 105th Base Commander ng MILF na si Kato.

Nauna nang hinamon ni Defense Secretary Gilberto Teodoro ang liderato ng MILF na isuko si Kato upang panagutin sa batas.

“Kasalukuyan ay kinu­kumpleto pa ng mga imbes­tigador ang pangangalap  ng karagdagang ebidensya at testimonya laban sa grupo ni Kato,” pahayag ni PNP chief Director General Ave­lino Razon.

Patuloy na nakaalerto ang mga awtoridad upang mapigilan ang muling pag-atake ng  MILF renegades.

Aminado naman ang Ka­lihim  na kung hindi reres­pe­tu­hin ng MILF ang probisyon ng batas na ipatutupad sa pag-aresto kay Kato, pani­bagong problema na naman ang kakaharapin ng pama­ha­laan.

Naniniwala rin si Puno na hindi makakaapekto sa usapang pangkapayapaan ang pagsasampa ng kaso dahil ang karahasan aniya na kinasangkutan nina Kato ay tuwirang paglabag sa umiiral na batas ng bansa.

Magugunita na kamaka­lawa ay tuluyang nabawi ng pinagsanib na elemento ng militar at pulisya ang ilan pa sa kabuuang 15 barangay na sinakop ng grupo ni Kato sa mga bayan ng Palim­bang, Aleosan, Pigkawayan, Midsayap, Pikit, Alamada at North Kabuntalan na pa­wang nasa North Cotabato

Samantala, aarestuhin naman ng pulisya ang mga si­bil­yang mahuhuling nag­sisipag-armas sa rehiyon ng Mindanao laban sa muling pag­hahasik ng karahasan ng MILF rebs.

BASE COMMANDER

COMMANDER AMERIL UMBRAH KATO

KATO

NORTH COTABATO

PLACE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with