8-anyos nagbigti sa birthday

Dahil hindi pinaya­gan ng ina na manghuli ng ibon na panghanda sana sa kaniyang ika-8 taong birthday, nag-suicide sa sama ng loob ang isang batang lalaki sa Barangay Banquerohan, Cadiz City, Negros Occidental, ayon sa ulat kaha­pon.

Batay sa police report na nakarating sa Camp Crame, idinek­larang patay sa Cadiz City Emergency Clinic ang biktimang itinago sa pangalang “Jona­than” na natagpuang nakabiting may naka­palupot na sinturon sa leeg sa loob ng kani­lang tahanan.

Sa pahayag ng ina  ng biktima, birthday ng kanyang anak noong Lunes subali’t  dala ng kahirapan ay walang pambili ng  pagkaing panghanda.

Napag-alamang pu­masok pa sa esku­we­lahan ang biktima at nagpaalam itong mang­huhuli na lamang ng ibon para may mapag­saluhan sa kaniyang kaarawan subali’t hindi ito pinayagan ng kan­yang ina. 

Inamin ng ina na kanyang pinalo ang anak at sinabihang tumigil sa bahay at mag-aral ng kanyang lesson.

Sa puntong ito ay kanya itong iniwan sa bahay, subalit maka­lipas ang 30-minuto ay nagulat siya nang ma­tagpuang nagbigti na ang kanyang anak.

Isinasailalim pa sa masusing imbes­ti­gas­yon ang kaso upang alamin kung may na­ganap na foul play sa insidente.

Show comments