^

Probinsiya

4 pulis iniimbestigahan dahil sa ballot snatching

-

Nalalagay sa balag ng alanganin masibak sa tungkulin ang apat na pulis na isinasangkot sa kasong ballot snatching sa Shariff  Kabunsuan kaugnay ng halalan sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) makaraang suma­ilalim sa imbestigasyon kamakalawa.

Kabilang sa mga pulis na nasa kustodiya ng kanilang mother unit habang sinisiyasat ay sina SPO1 Airodin Tumawis, PO1 Alfatta Tumawis , PO3 Ibrahim Macarimbang at si PO1 Suwaid Dagalangin na pawang nakatalaga sa Shariff Kabunsuan Provincial Police Office.

Ayon kay P/Supt. Danilo Bacas, hepe ng ARMM Police Regional Operations and Plans Division, ilang testigo ang positibong kumilala sa mga pulis kaugnay ng pagkakasangkot ng mga ito sa ballot snatching kaugnay ng ginanap na eleksyon sa ARMM noong Lunes.

Napag-alamang dalawa sa mga pulis na inakusahan ay  kamag-anak ni Assemblyman Bongarsa Tumawis.

Kaugnay nito,  tiniyak naman ng mga opisyal na walang magaganap na whitewash. Joy Cantos

AIRODIN TUMAWIS

ALFATTA TUMAWIS

ASSEMBLYMAN BONGARSA TUMAWIS

AUTONOMOUS REGION

DANILO BACAS

IBRAHIM MACARIMBANG

JOY CANTOS

MUSLIM MINDANAO

POLICE REGIONAL OPERATIONS AND PLANS DIVISION

SHARIFF KABUNSUAN PROVINCIAL POLICE OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with