^

Probinsiya

10 katao todas sa delubyo ng baha

-

KORONADAL CITY – Aabot sa sampu-katao, ka­bilang na ang 8 bata at isang 7-buwan na sanggol ang iniulat na namatay sa mag­kakahiwalay na sakuna sa bayan ng T’boli, South Co­tabato, ayon sa naantalang ulat kahapon.

Base sa pahayag ni Haydee Lacdoo, deputy provincial social welfare officer, limang batang mag-aaral ang nasawi sa landslide sa bahagi ng Brgy. Desawu noong Biyernes at isang mag-anak na binubuo ng lima-katao naman ang ti­na­ngay ng tubig-baha noong Sabado sa Brgy. Lamhaku sa nasabing bayan.

Kabilang sa mga nasa­wing mag-aaral matapos ang ilang oras na paghu­hukay ay nakilalang sina Malvin Tanon, 8; Jer­son Lamban, 8; Jemwel Haus, 9; Respy Haus, 6; at si Benjie Denyal, 5, pawang estud­yante ng Disawu Elementary School.

Naitala ang landslide bandang alas-4:30 ng ha­pon habang malakas ang buhos ng ulan noong Biyer­nes sa liblib na pook ng Sitio Lemluk-El sa Bgry. Desawu habang papauwi mula sa paaralan ang mga biktima.

Samantala, noong Sa­bado naman habang pata­wid ng ilog, akay-akay ng ina ang kanyang apat na anak nang big­lang bumulusok ang malakas na tubig-baha mula sa kabundukan patu­ngo sa ilog ng Barangay Lam­haku, T’boli, South Cotabato.

Ayon sa ulat, karga pa ng ina ang anak na 7-buwang gu­lang na sanggol habang nakabuntot ang 3 iba pang anak nang tangayin ng malakas na agos ng tubig habang tumatawid sa sapa.

Natagpuan naman ang mga bangkay ng limang mag-iina na nakalutang sa ilog ng Barangay Lambukay sa ba­ yan ng Banga, South Cota­bato noong Linggo ng hapon.

Kasalukuyan pa rin bine­neripika ang pagkikilanlan ng 5 mag-iina. (Boyet Jubelag at Joy Cantos)

BARANGAY LAM

BARANGAY LAMBUKAY

BENJIE DENYAL

BOYET JUBELAG

BRGY

DESAWU

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with