Na-comatose na brodkaster patay na

BAGUIO CITY – Itinu­ring na pinakadelikadong lugar sa bansa para sa mga ma­mamahayag ang General Santos City maka­raang ma­matay na si Dennis Cuesto ng Radio Min­danao Net­works’s dxMD noong Saba­do ng hapon.

Ito ang tinuran ni Ro­wena Paraan, secretary general ng National Union of Journalist of the Phils. (NUJP) at si Cuesto na ika-7 journalist na napaslang sa General Santos City simula noong 1986 ay ma­lubhang nasu­ga­tan at na-comatose matapos pagba­barilin ng mga ‘di-pa kila­lang kalalakihan noong Lunes ng Agosto 4.

Sa tala ng NUJP, kabi­lang sa mga napaslang na mamamahayag sa General Santos City ay sina: Flo­rante “Boy” Castro, dxCP Gen San-1986; Jean Ladri­ngan, Southern Star, Gen San-1990; Dominador “Dom” Bentulan, dxGS Gen San-1998; Odilon Mallari, dxCP Gen San- 1998;  Ely Binoya, Radyo Natin Gen San-2004; at si Jun Abayon, RGMA Super Radyo- 2004.

Ideneklara rin ng The International Federation of Journalists (IFJ) na may 500,000 miyembro worldwide na ang Pilipinas ay pina­kadelikadong bansa sa Asia-Pacific matapos na­paulat na mapaslang na naman noong Huwebes ang isang brodkaster na si Martin Roxas, 32, ng RMN station DyVR sa Roxas City, Capiz.

Ayon kay Paraan, si Ro­xas ay opisyal ng NUJP-Capiz chapter na kauna-unahang miyembro na nag­sasagawa ng 6th national assembly sa Agosto 23-24.

Magsasagawa ng kilos-protesta ang asosasyon ng mga radio reporter at RMN sa araw na ihahatid sa hu­ling hantugan ang mga labi ni Martin sa Capiz sa Mi­yer­kules  (Agosto 20). Artemio Dumlao at Danilo Garcia

Show comments