Na-comatose na brodkaster patay na
BAGUIO CITY – Itinuring na pinakadelikadong lugar sa bansa para sa mga mamamahayag ang General Santos City makaraang mamatay na si Dennis Cuesto ng Radio Mindanao Networks’s dxMD noong Sabado ng hapon.
Ito ang tinuran ni Rowena Paraan, secretary general ng National Union of Journalist of the Phils. (NUJP) at si Cuesto na ika-7 journalist na napaslang sa
Sa tala ng NUJP, kabilang sa mga napaslang na mamamahayag sa General Santos City ay sina: Florante “Boy” Castro, dxCP Gen San-1986; Jean Ladringan, Southern Star, Gen San-1990; Dominador “Dom” Bentulan, dxGS Gen San-1998; Odilon Mallari, dxCP Gen San- 1998; Ely Binoya, Radyo Natin Gen San-2004; at si Jun Abayon, RGMA Super Radyo- 2004.
Ideneklara rin ng The International Federation of Journalists (IFJ) na may 500,000 miyembro worldwide na ang Pilipinas ay pinakadelikadong bansa sa Asia-Pacific matapos napaulat na mapaslang na naman noong Huwebes ang isang brodkaster na si Martin Roxas, 32, ng RMN station DyVR sa Roxas City, Capiz.
Ayon kay Paraan, si Roxas ay opisyal ng NUJP-Capiz chapter na kauna-unahang miyembro na nagsasagawa ng 6th national assembly sa Agosto 23-24.
Magsasagawa ng kilos-protesta ang asosasyon ng mga radio reporter at RMN sa araw na ihahatid sa huling hantugan ang mga labi ni Martin sa Capiz sa Miyerkules (Agosto 20). Artemio Dumlao at Danilo Garcia
- Latest
- Trending