^

Probinsiya

Eroplano sinunog ng NPA

-

Sa patuloy na pagha­hasik ng terorismo, sinu­nog ng mga rebeldeng New People’s Army ang eroplanong pag-aari ng isang negosyante matapos salakayin ang banana plantation sa bayan ng Maco, Compostella Valley kamakalawa ng gabi.

Ayon kay AFP-Eastern Mindanao Command Spokes­man Major Armand Rico,  bandang alas- 8 ng gabi nang salakayin ng mga rebelde ang hangar ng Marsman Drysdale Corp’s RioVista Agri Ventures sa Barangay Tagla­wig sa ba­yang nabanggit. 

Napag-alamang igina­pos ang dalawang guwar­diyang nagbabantay sa gusali ng chemical mixing na sina Bormelito Concha at Manuel Sugse matapos disarmahan.

Kasunod nito, ay agad na binuhusan ng gasolina saka sinunog ng mga re­belde ang single-seater light plane na ginagamit sa pang-spray ng pesticides sa banana plantation.

Aabot hanggang P6 mil­yong halaga ang nasabing eroplano na pag-aari ng Mac­tan Corp. na kinontrata lamang ng Marsman Drys­dale para sa aerial spraying sa 30 ektaryang plan­tasyon.

Nabatid na noong Feb­rero, nasangkot ang Mars­man Drysdale’s Rio Vista Agri Ventures sa pinagtata­lunang unpaid salaries ng mga manggagawa sa na­sa­bing plantasyon, hindi nagreremit ng contribution sa Social Security System (SSS) at hindi pagbibigay ng ilang benepisyo sa mga kawani.

Patuloy naman ang operasyon ng Army’s 25th Infantry Battalion sa pa­mumuno ni  Major Rolando Rodil  laban sa nagsitakas na mga rebelde.

vuukle comment

AGRI VENTURES

BARANGAY TAGLA

BORMELITO CONCHA

COMPOSTELLA VALLEY

DRYSDALE CORP

EASTERN MINDANAO COMMAND SPOKES

INFANTRY BATTALION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with