^

Probinsiya

Katiwala ng alkalde itinumba

-

RIZAL – Napaslang ang isang katiwala ng mayor na tuma­tayong hepe ng ma­yor’s squad sa panibagong ka­rahasang naganap sa Ba­rangay San Roque sa ba­yan ng Angono, Rizal ka­makalawa ng gabi.

Namatay habang gina­gamot sa Angono General Hospital sanhi ng apat na tama ng bala sa katawan ang biktimang si Jerome Bolinao, hepe ng striking force ni Binangonan Mayor Cezar Ynares at residente ng #145 Oja Street sa Brgy. Mahabang Parang, Bina­ngonan, Rizal.

Sa ulat ni P/Senior Supt. Ireneo Dordas, provincial police director, kabababa lang ng kanyang sasakyan ang biktima nang lapitan at ratratin ng riding-in-tandem motorcycle sa kahabaan ng Guido Street sa na­bang­git na barangay.

Ayon sa ulat, hindi pag­nanakaw ang motibo kahit na tinangay ang baril at ibang personal na gamit ng biktima na pinaniniwa­ laang inililigaw lamang ng mga suspek ang imbesti­gasyon.

Sa tala ng pulisya, na­sangkot ang pangalan ni Bo­linao matapos na pag­bin­tangan ang grupo nito na responsable sa pagka­matay nina PO1 Dennis Montemayor at PO1 Richard Gelua noong Abril 2, 2008 sa Barangay Tatala, Binangonan, Rizal.

Napag-alamang bukod dito ay tinitingnan din ang anggulong away ng biktima sa mga vendor ng Bina­ngo­nan Public Market dahil sa mahigpit nitong pama­malakad. Edwin Balasa

vuukle comment

ANGONO GENERAL HOSPITAL

BARANGAY TATALA

BINA

BINANGONAN MAYOR CEZAR YNARES

DENNIS MONTEMAYOR

EDWIN BALASA

GUIDO STREET

RIZAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with