Holdaper dedo sa gulpi

KIDAPAWAN CITY – Pinagtulungan gulpihin hang­gang sa mapatay ng taumbayan ang isang lalaki na pina­niniwalaang nangholdap sa isang negosyante sa kaha­baan ng Jose Lim Street sa Cotabato City kama­kalawa ng gabi. Naisugod pa sa Cotabato Regional Medical Center subalit napatay din si Mohammad Zacaria ng Shariff Kabungsuan. Base sa ulat ng pulisya, naglalakad si Zahayda Panda nang lapitan at holdapin ni Zacaria su­balit nanlaban ang babae. Gayon pa man, namataan ng ilang kalalakihan ang nagaganap na krimen kaya su­maklolo sa nasabing trader hanggang sa maganap ang insidente. Malu Manar

Bus nahulog sa sapa

CAVITE — Labing-apat katao ang iniulat na nasu­ga­tan makaraang aksidenteng mahulog sa sapa ang pam­pasaherong bus kahapon ng madaling-araw sa kaha­baan ng Kawit –Noveleta Road sa bayan ng Kawit, Ca­vite. Sa ulat ni Cavite Provincial Police Office (PPO) di­rect­or Senior Supt. Hernando Zafra, naganap ang insi­dente sa nasasakupan ng Barangay Tabon 1 sa bayan ng Kawit dakong alas – 4:20 ng madaling-araw. Ayon kay Zafra, kasalukuyang bumabagtas sa lugar ang Sau­log Bus Transit na may plakang DVT-914 nang maganap ang insidente. Kabilang sa mga biktimang ginagamot  sa Divine Grace Hospital sa Rosario, Cavite ay sina Jessie Aragon, Dennis Donato, Conchita Cuevas, Sherryl Aranjues, Arjay Garcia, Conchita Balmeyo, Nicolas at Mariflor Talactac, Lito Palacio,  Norie Casura, Orlando Arnoco, Gemma Argete, Lucila Bucar at si Enrico Salazar. Sa inisyal na imbestigasyon, nabatid na nawa­lan ng kontrol sa manibela ang driver  nang biglang mag­preno ang sasakyan na nasa unahan nito na nagbunsod kaya nagtuluy-tuloy sa sapa. Isinasailalim sa masusing imbestigasyon ang nasabing sakuna. Cristina Tim­bang at Joy Cantos

Show comments