^

Probinsiya

21 dedo sa Cholera

- Ni Boyet Jubelag -

TACURONG, Sultan Kudarat  – Tinatayang aabot sa 21-katutubo na karamihan ay bata mula sa tribong Manubo ang iniulat na  nasawi habang 65 iba pa ang nasa kritikal na ka­lagayan makaraang mana­lasa ang sakit na cholera sanhi ng bacterium Vibrio cholerae sa dalawang liblib na sitio na sakop ng Ba­rangay Milbuk sa bayan ng Palimbang, Sultan Kuda­rat, ayon sa ulat kahapon.

Ito ay kinumpirma nina Marilou Geturbos-Torres ng Philippine National Red Cross sa Tacu­rong City at Palimbang Mayor Samroud Maman­sual, na ang epidemya ay patuloy na kumakalat si­mula pa noong Hulyo 30.

Nadiskubre lamang ang epidemya matapos mag­tungo ang pangkat ni Ge­tur­bos sa bisinidad ng Brgy. Milbuk kung saan napaulat na may mga residenteng namatay sa gutom.

Base sa ulat ng PNRC na nakabase sa Tacurong City, aabot sa 15 katutubo ang namatay mula sa Sitio Biao habang 6 naman sa Sitio Napnapon na may apat na oras ang lakbayin mula sa town proper ha­bang ang mga nasa ma­lub­hang kondisyon na mula sa Sito Wal ay gina­gamot na sa Milbuk Ba­rangay Hall.

Pinaliwanag naman ni Geturbos na ‘di-ordinar­yong sakit na cholera ang naging sanhi ng kamata­yan ng mga biktima at ka­ilangan pa itong kumpir­mahin mula sa mga naka­lap na sample ng tubig na pinagkukunan ng mga resi­dente sa dalawang sitio.

Nakatakda naman du­mating sa mga nabanggit na sitio ang medical team ng Provincial Social We­l­fare and Development Office sa pakikipag-ugnayan na rin ni Governor Datu Su­harto Mangudadatu. Nag­padala na rin si Mayor Ma­mansual ng mga gamot at maging ang ilang staff sa munisipalidad ay tumulong para masawata ang pag­kalat ng epidemya.

Pinaniniwalaang konta­mi­na­dong tubig inumin, pagkaing dinadapuan ng langaw at maruming kapa­li­­giran ang pangunahing dahilan kaya kumalat ang nasabing bacteria. Dagdag ulat ni Joy Cantos

DEVELOPMENT OFFICE

GOVERNOR DATU SU

JOY CANTOS

MARILOU GETURBOS-TORRES

MAYOR MA

MILBUK

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with