Bangka lumubog: Pulis utas, 2 mayor nailigtas
Nalunod ang isang pulis habang nailigtas naman ang dalawang alkalde ng Tawi-Tawi at dalawang iba pang pulis makaraang lumubog ang bangkang sinasakyan noong Lunes habang naglalayag sa karagatang sakop ng Barangay Pahut sa bayan ng Bongao ng lalawigan.
Naisugod pa sa Datu Halun Sakilan Memorial Hospital si SPO1 Sadjan Jal Palahuddin subalit idineklarang patay habang nasagip naman sina Mayor Kuhyuh Pajiji ng Sibutu, Tawi-Tawi; Mayor Hadji Serbin Ahaja ng Sitangkai; PO2 Espin Gulam at PO1 Zansibar Muallila.
Sa ulat ni P/Chief Supt. Joel Goltiao, police director ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) na isinumite sa
Matapos ang 30 oras na pagpapalutang-lutang sa karagatan ay nasagip ng bangkang pangisda ang mga biktima.
Nawala naman ang mga personal na kagamitan ng mga biktima kabilang na ang tatlong M16 Armalite rifle na inisyu kina Palahuddin, Gulam at Muallila. Joy Cantos
- Latest
- Trending