Suspek sa masaker nagbigti
QUEZON – Pinaniniwalaang inusig ng budhi kamakalawa kaya nagbigti sa loob ng selda ang pangunahing suspek sa brutal na pagpatay sa limang sibilyan noong Linggo ng gabi sa bayan ng Atimonan, Quezon. Sa isinagawang post-mortem examination ni Dra. Maricel Leal, municipal health officer ng Atimonan, lumilitaw na walang foul play na naganap sa pagpapatiwakal ni Mario Banal na natagpuan ang katawan nito na nakabitin sa palikuran ng kulungan bandang alas-6 ng gabi. Ayon kay P/Supt. Ronnie Miralles, hepe ng Atimonan police, si Banal ay itinuturong pumaslang kina Elizabeth Dela Torre, 27; mga anak nitong sina Elisa, 3; Arvin, 5; Aizlli Nicole, 4 buwang gulang at kapitbahay na si Rose Marie San Juan,12, pawang mga residente ng Barangay Malusac, Atimonan, Quezon noong Huwebes ng gabi. Tony Sandoval at Arnell Ozaeta
Kahera patay sa holdap
ORMOC CITY, Leyte – Ilang oras pa lamang ang nakalipas matapos mapatay ang may-ari ng restaurant, isa na naman karahasan ang naganap kung saan isang 32-anyos na kahera ang binaril at napatay ng isang holdaper sa harapan ng pinapasukan nitong appliances center sa Lilia Avenue, Barangay Cogon sa Ormoc City, Leyte noong Lunes ng gabi. Ang biktimang napuruhan sa dibdib ng bala ng baril ay nakilalang si Fatima Baylosis y Abaño, may asawa at cashier ng EMCOR appliances center at residente ng Brgy. Tambulilid. Ayon kay P/Senior Insp. Joseywells Estopen, hepe ng PCP1, kalalabas pa lamang ng appliance center ang biktima nang lapitan ng isang ‘di-kilalang lalaki at hinablot ang handbag nito. Nanlaban ang biktima kaya nagalit ang suspek hanggang sa maganap ang pamamaslang. Nakatakas naman ang holdaper lulan ng motorsiklo. Roberto C Dejon
Brodkaster inambus, comatose
Nasa comatose na kalagayan ang isang 35-anyos na broad caster matapos itong pagbabarilin ng ‘di-pa kilalang lalaki noong Lunes ng hapon sa kahabaan ng highway na sakop ng
- Latest
- Trending