^

Probinsiya

5 cell site ng Globe sinabotahe ng NPA

-

Aabot sa limang cell site ng Globe Telecoms  ang mag­kakasunod na sina­botahe ng mga rebeldeng New People’s Army sa mag­kakahiwalay na pani­ba­gong paghahasik ng ka­rahasan sa Kabikulan, ayon sa ulat kahapon.

Sa ulat ni Col. Ariel Ber­nardo, commanding officer ng 901st Infantry Battalion ng Philippine Army, unang pina­sabog ang cell site sa Bgy. Humapon, Legazpi City, Albay noong Biyernes ng gabi.

Makalipas ang 5-minuto ay binomba ang isa pang cell site sa Bgy. Bacong sa Ligao City habang isinunod naman ang dalawang cell site sa bayan ng Barce­lona, Sorso­gon at sa bayan ng Jovellar, Albay.

Bukod sa apat na magka­kasabay na pagsabog, una nang sinunog ng mga re­belde ang isa pang cell site sa bayan ng Del Gal­lego, Camarines Sur noong Hu­webes ng gabi.

Tinatayang umaabot sa milyong halaga ng ari-arian ang napinsala sa naganap na pananabotahe ng mga re­belde na pinanini­wa­la­ang  na­sa ilalim ng Ro­mulo Jallores Command na nag-ooperate sa Camarines Sur. Saman­tala, tulad na­man ng mga na­una nang pananabotahe ng NPA rebs ay pangingikil ng revolutionary tax ang lumilitaw na motibo. Joy Cantos at Ed Casulla

ALBAY

ARIEL BER

BGY

CAMARINES SUR

DEL GAL

ED CASULLA

GLOBE TELECOMS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with