Zambales no. 1 sa maternal death
Nangunguna sa pitong probinsiya ng Central Luzon ang lalawigan ng Zambales sa bilang ng mga buntis na namamatay sa pangangaganak nang magtala ito ng 59 deaths, pumangalawa ang Bataan, 50 deaths, pangatlo ang Pampanga, 34 deaths, Bulacan, 24; Aurora, 22; Nueva Ecija, 19; Tarlac, 11 at 28 sa regional/district hospitals noong taong 2007.
Base ito sa ulat ng Department of Health Region-3 na nagsabing umaabot sa 247 ina ang nasawi sa panganga nak o maternal mortality rate per 100,000 live births mula sa pitong lalawigan sa Central Luzon na naitala sa mga pribado at ospital ng gobyerno.
Nabatid pa mula kay Region-3 DOH Director Dr. Rio Magpantay na isa sa mga sanhi ng naturang kamatayan ng expectant mothers ay ang pagdurugo dahil sa hindi sila nadadala sa ospital at sa bahay na lamang nagsisilang na kadalasa’y may kasa mang hilot o komadrona.
Ayon pa sa ulat, maiiwasan ang pagtaas ng bilang ng mga namamatay na buntis kung alam ng mga ina ang paraan ng pag-aalaga sa sarili pati na ang maagap na pagkokonsulta sa kani-kanilang duktor at kung walang perang gagastusin ay meron namang mga district hospital na libre para magpa-konsulta. (Christian Ryan Sta. Ana)
- Latest
- Trending