TUGUEGARAO CITY – Nabahala ang pamahalaang panlalawigan ng Cagayan at Isabela dahil sa pagtaas ng bilang ng namamatay sa pananalasa ng deadly virus mula sa kagat ng aso, pusa at iba pang alagang hayop, ayon sa ulat kahapon.
Sa pahayag ng Cagayan provincial veterinarian na si Dr. Jaime Guillermo, aabot sa siyam-katao mula sa iba’t ibang bayan ang nadale ng rabies o hydrophobia na karamihan ay nakagat ng asong gala (askal).
Samantala, aabot naman sa sampung kaso ng rabies ang naitala sa Isabela at tatlo naman sa Nueva Vizcaya.
Kaya naman puspusan ang kampanya laban sa rabies sa pangunguna nina Gov. Alvaro Antonio at Nueva Vizcaya Vice Gov. Jose Gambito para mapigilan ang pananalasa ng rabies sa kani-kanilang lugar. (Charlie Lagasca)