^

Probinsiya

P.3M pabuya vs 2 kidnaper

-

Nagpalabas na ng P.3 milyong pabuya ang anti-crime advocates at mga kaibigan ng pamilya ng negosyanteng pinaslang kasama ang kaniyang driver noong Hunyo 2008 laban sa dalawa pang nakakalayang kidnaper.

Kinilala ni P/Senior Supt. Leonardo Espina, hepe ng Police Anti-Crime Emergency Response (PACER), ang dalawa pang kidnaper na sina PO1 Reniel Abogado at  Mariano “Spider” de Leon na kapwa itinuturong sang­kot sa pagpatay kina Demosthenes Cañete at driver nitong si Allan Garay.

Ang mga biktima ay kinidnap noong Hunyo 27 sa bayan ng Dasmariñas, Cavite kung saan si Garay ay pinaslang ilang oras matapos ang pagdukot.

Samantala, ang bangkay ni Cañete ay itinapon sa tabi ng highway ng Pampanga noong Hulyo 1 pero uma­bot ng sampung araw   bago natukoy na ito ang kinidnap na trader.

Nadiskubre rin na sa kabila ng patay na ang nasabing negosyante ay nakipagnegosasyon pa ang mga kidnap­pers na humingi ng P970,000.00 kapalit umano ng pag­papalaya sa mga kidnap victim.

Noong Biyernes ng Hulyo 4 ay magkakasunod na na­aresto ang mga suspek na sina Chief Inspector Exequiel Cautiver ng SAF; asawa nitong si P/Chief insp. Penelope Cautiver, dating Vice Mayor  Victor Carung­cong,  PO1 Ric Selga, Alejandrito Entolizo Jr. at si Gary Pateo habang sina PO1 Abogado at De Leon ay na­katakas. Joy Cantos

ALEJANDRITO ENTOLIZO JR.

ALLAN GARAY

CHIEF INSPECTOR EXEQUIEL CAUTIVER

DE LEON

DEMOSTHENES CA

GARY PATEO

HULYO

HUNYO

JOY CANTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with