4 mag-iina natodas sa sunog

Malagim na kama­tayan ang sinapit ng apat na mag-iina ma­ka­raang makulong sa nasusunog nilang ba­hay sa Barangay Du­maguit sa bayan ng New Washington, Ak­lan kahapon ng mada­ling-araw. Kabilang sa mga biktimang nasawi ay sina Leah Distajo, 41; Paul Kevin, 12; Patricia Gaile, 10; at si Eduard  Distajo Jr., 4. Sa inisyal na imbes­tigasyon ng Bureau of Fire Protection ng Ka­libo, Aklan mahimbing na natutulog ang mga biktima sa loob ng ka­nilang tahanan nang maganap ang sunog. Wala naman ang mister ni Leah dahil may ina­asikaso ito sa Ro­xas City, Capiz. Nada­may din sa sunog ang opi­ sina ng Philippine Coast Guard na ba­hagyang pinsala. Na­apula naman ang su­nog dakong alas-5 ng umaga matapos na magresponde ang mga bumbero. Joy Cantos

Show comments