LEGAZPI CITY, Al bay – Dahil sa kahirapan at walang pambili ng gatas ay nagawang pagsasaksakin hanggang sa mapatay ang tatlong buwang gulang na sanggol ng sariling ama na nairita sa kaiiyak ng bata sa loob ng kanilang tahanan sa Purok 1, Barangay San Roque, Legazpi City, Albay kamakalawa.
Nagkikisay pa ang sanggol na lalaki matapos tarakan ng kutsilyong pangkatay ng baboy sa dibdib na naglagos sa likuran nito.
Arestado naman at pormal na kinasuhan ang suspek na si Rudy Briones, 29, isang matadero sa pampublikong pamilihan sa nabanggit na lungsod.
Sa impormasyong nakalap ng PSNgayon, isinilang ang sanggol noong Mayo kung saan ang ina nito ay namatay sa panganganak kaya dumanas ng matinding depresyon ang suspek na kasalukuyang walang kinikita sa katayan ng baboy.
Ayon kay P/Chief Insp. Rolly Esquerra, hepe ng pulisya sa Le gazpi City, naganap ang krimen dakong alas-3 ng hapon kung saan inabutan ng suspek na nag-iiyak ang sanggol sa gutom.
Napag-alamang nairita ang senglot na ama sa kapapalahaw ng sanggol kung saan sa sobrang kahirapan ay walang maipambili ng gatas.
Lumilitaw sa imbestigasyon na nagdilim ang paningin ng suspek at bigla na lamang dinam pot nito ang anak na nag-iiyak saka pinagsasaksak upang matapos na ang paghihirap nito na nadadamay pa sa gutom na dinaranas ng kanilang pamilya bunga ng sobrang kahirapan.
Inamin ng suspek na napaslang niya ang sariling anak dahil sa matinding kahirapan kung saan madalas na umiiyak ang sanggol dahil walang pambili ng gatas.