^

Probinsiya

Sanggol kinatay ng ama

- Nina Ed Casulla at Joy Cantos -

LEGAZPI CITY, Al­ bay – Dahil sa kahi­rapan at walang pam­bili ng gatas ay naga­wang pag­sasaksakin hanggang sa mapatay ang tatlong buwang gulang na sang­gol ng sariling ama na nairita sa kaiiyak ng bata sa loob ng kanilang taha­nan sa Purok 1, Ba­rangay San Roque, Le­gazpi City, Albay kama­kalawa.

Nagkikisay pa ang sanggol na lalaki ma­tapos tarakan ng ku­tsil­yong pangkatay ng ba­boy sa dibdib  na nagla­gos sa likuran nito.

Arestado naman at pormal na kinasuhan ang suspek na si Rudy Briones, 29, isang ma­tadero sa pampubli­kong  pamilihan sa na­bang­git na lungsod.

Sa impormasyong na­kalap ng PSNgayon, isi­nilang ang sanggol noong Mayo kung saan ang ina nito ay namatay sa panganganak kaya dumanas ng matinding depresyon ang suspek na kasalukuyang wa­lang kinikita sa katayan ng baboy.

Ayon kay P/Chief Insp. Rolly Esquerra, hepe ng pulisya sa Le­ gazpi City, naganap ang krimen dakong alas-3 ng hapon  kung saan inabu­tan ng sus­pek na nag-iiyak ang sanggol sa gutom.

Napag-alamang na­irita ang senglot na ama sa kapapalahaw ng sang­gol kung saan sa sobrang kahirapan ay walang maipambili ng gatas.

Lumilitaw sa imbes­ti­gasyon na nagdilim ang paningin ng sus­pek at bigla na lamang dinam­ pot nito ang anak na nag-iiyak saka pinag­sa­­sak­sak upang matapos na ang paghihirap nito na na­dadamay pa sa gutom na dinaranas ng kani­lang pamilya bunga ng sobrang kahirapan.

Inamin ng suspek na napaslang niya ang sa­riling anak dahil sa ma­tin­ding kahirapan kung saan madalas na umiiyak ang sanggol dahil walang pambili ng gatas.

ALBAY

ARESTADO

CHIEF INSP

ROLLY ESQUERRA

RUDY BRIONES

SAN ROQUE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with