BATANGAS – Labing-apat na kalalakihan na pinaniniwalaang kobrador ng jueteng ang naaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation sa isinagawang operasyon sa Tanauan City, Batangas, ayon sa ulat. Kinilala ni Atty. Generoso Matulac, Region 4 NBI director, ang mga suspek na sina Sotero Carandang, Sandy Dimaculangan, Rey Esmael, Atoy Gonzales, Nelson Liwanag, Marco Landicho, Efren Martinez, Claudio Mendoza, Armando Mercado, Francisco Bilog, Renato Mercado, Rodolfo Mozo, Edward Villanueva at si Tatang Manoba. Ayon sa ulat, sinalakay ang isang bahay sa Barangay Talaga kung saan naaktuhan ang mga suspek na nagrerebisa at nagbibilang ng taya bandang alauna y medya ng hapon. Gayon pa man, pansamantalang pinalaya ang mga suspek at pinayuhang bumalik para sa preliminary investigation. Arnell Ozaeta