^

Probinsiya

Coed patay sa bus bombing

-

Binawian ng buhay ka­hapon ang isang 16 anyos na nursing coed na kabi­lang sa 35 sugatang bik­tima ng malagim na pam­bobomba sa Metro Shuttle Bus sa terminal ng Digos City, Davao del Sur nitong Huwebes ng tanghali.

 Kasabay nito, ayon kay Police Regional Office 11 Director Chief Supt. Andres Caro II, lumalakas ang teorya na  ang grupo ng Al Khobar extortion group ang nasa likod ng pambo­bomba.

Ang nasawi ay nakila­lang si Sarah Fe Abelle na tuluyan nang namatay kahapon ng umaga sa Davao Medical Center.

Dakong alas-11:50 ng tanghali kamakalawa nang sumabog ang bomba na itinanim sa Metro Shuttle Bus na may plakang LDS-  506 sa pampublikong terminal ng Digos City.

Iniulat naman ng City Disaster Coordinating Council, na sa kabuuang 35 nasugatan sa pambo­bomba ay 27 rito ang pasahero mismo ng bus. (Joy Cantos)

AL KHOBAR

ANDRES CARO

CITY DISASTER COORDINATING COUNCIL

DAVAO

DIGOS

DIRECTOR CHIEF SUPT

METRO SHUTTLE BUS

PLACENAME

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with