NPA attack: Konsehal dedo, 3 sugatan

KIDAPAWAN CITY - Nag­buwis ng buhay ang isang ba­rangay kagawad habang tat­long iba pa ang nasugatan ka­bi­lang ang isang pulis maka­raang su­mabog ang landmine na iti­nanim ng mga rebeldeng New People’s Army sa plantas­yon ng Dole Stanfilo sa hangganan ng Barangay Luna Sur at Luna Norte sa ba­yan ng Makilala, North Cota­bato kahapon ng umaga.

Kinilala ni Makilala Mayor Onofre Respicio, ang na­sawi na si Ricky Apolinario, chairman ng Committee on Peace and Order ng Ba­rangay San Vicente.

Kabilang sa nasugatan ay sina PO1 Brixtol Catalan, da­lawang brgy. tanod na tinukoy lamang sa mga pangalang Niño Manlique at Moreno na naisu­god sa Makilala Medical Specialist Hospital.

Sa ulat ni P/insp. Ramel Ho­jilla, hepe ng Makilala PNP,  ban­dang alas-5:50 ng umaga nang magtungo ang mga biktima sa nabanggit na plan­tasyon kung saan na­paulat  na sinalakay ng mga rebelde.

Sakay ng multicab si Apoli­nario nang sumabog ang land­mine na itinanim ng mga rebelde may 50 metro lamang ang layo sa nasunog na bodega habang naka­sunod naman ang truck ng Makilala fire station at sa­sakyan ng 57th Infantry Battalion sa pangu­nguna ni Lt. Dogoco.

Pinaniniwalaan namang tumatanggi ang DOLE Philippines na magbayad ng revolutionary tax sa mga rebel­deng NPA kaya isina­gawa ang pana­na­botahe sa nasa­bing plantas­yon. Malu Cadelina Manar at Joy Cantos

Show comments