NPA attack: Konsehal dedo, 3 sugatan
KIDAPAWAN CITY - Nagbuwis ng buhay ang isang barangay kagawad habang tatlong iba pa ang nasugatan kabilang ang isang pulis makaraang sumabog ang landmine na itinanim ng mga rebeldeng New People’s Army sa plantasyon ng Dole Stanfilo sa hangganan ng Barangay Luna Sur at Luna Norte sa bayan ng Makilala, North Cotabato kahapon ng umaga.
Kinilala ni Makilala Mayor Onofre Respicio, ang nasawi na si Ricky Apolinario, chairman ng Committee on Peace and Order ng Barangay San Vicente.
Kabilang sa nasugatan ay sina PO1 Brixtol Catalan, dalawang brgy. tanod na tinukoy lamang sa mga pangalang Niño Manlique at
Sa ulat ni P/insp. Ramel Hojilla, hepe ng Makilala PNP, bandang alas-5:50 ng umaga nang magtungo ang mga biktima sa nabanggit na plantasyon kung saan napaulat na sinalakay ng mga rebelde.
Sakay ng multicab si Apolinario nang sumabog ang landmine na itinanim ng mga rebelde may 50 metro lamang ang layo sa nasunog na bodega habang nakasunod naman ang truck ng Makilala fire station at sasakyan ng 57th Infantry Battalion sa pangunguna ni Lt. Dogoco.
Pinaniniwalaan namang tumatanggi ang DOLE Philippines na magbayad ng revolutionary tax sa mga rebeldeng NPA kaya isinagawa ang pananabotahe sa nasabing plantasyon. Malu Cadelina Manar at Joy Cantos
- Latest
- Trending