2 anak sex slave ng ama

Kalaboso ang binag­sakan ng isang biyudong ama matapos nitong ma­buntis ang isa sa dalawa nitong anak na dalagita na gina­wang sex slave sa loob ng mahigit isang taon sa ba­yan ng Enrique B. Maga­­ lona, Negros Occidental, ayon sa ulat kaha­pon.

Nahaharap ngayon sa kasong multiple rape ang suspek na si Loreto Ma­lihoc, 36, ng Sitio Bantud, Brgy. III ng nabanggit na bayan.

Batay sa police report na isinumite sa Camp Crame, nabuking ang kri­men ng kanilang guro ng magpasailalim sa pregnancy test ang isa sa da­lawang biktima na may edad 12 at 14-anyos.

Dito na napilitang usi­sain ng guro ang bata na lumuluhang nagtapat sa ginawa ng kanilang ama matapos na mamatay ang kanilang ina may ilang taon na ang nakalipas.

Matapos namang  mag positibo ang resulta ng pregnancy test agad na nakipag-ugnayan ang guro sa EB Magalona Police Women and Children’s Concern Desk at Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pangunguna ni P/Chief Inspector Samuel Mina, na­sakote ang suspek. Joy Cantos

Show comments