^

Probinsiya

Batalyong sundalo, tangke pinakalat sa E. Mindanao

-

Batalyong  kawal  at  ka­ragdagang tangke ang ipinakalat  ng Armed Forces of  the  Philippines  sa ba­hagi ng Eastern Mindanao  upang  isabak sa mga  rebeldeng New People’s Army (NPA) na patuloy na naghahasik ng terorismo.

Sa pahayag ni AFP-Eastern Mindanao Command Spokesman Major Armand Rico, isang Me­chanized Infantry Battalion na pinamumunuan ni Lt. Col. Luis Binwag kasama ang kanilang armored vehicles at dalawang Field Artillery Batteries sa Davao City mula Maynila ang dumaong na sa Sasa Wharf sa Davao City  lulan ng landing ship tank ng Philippine Navy.

Sa tala ng AFP, uma­abot sa 100 karahasan ang inihasik ng NPA rebels sa unang bahagi ng 2008 partikular  ang talamak na extortion, pagpatay, panu­nunog at pag-atake sa tropa ng militar.

Aabot naman sa 24 armor assets, 12 howitzers tubes ang dinala sa na­banggit na rehiyon bilang augmentation sa puwersa ng Army’s 10th Infantry Division.

Ang pagpapakalat ng tropa ng militar ay bilang tugon sa kahilingan ng mga opisyal ng lokal na pa­mahalaan partikular na ang mga gobernador sa Com­postella Valley-Davao area.

Magugunita na huling inatake ng mga rebeldeng NPA ang Sagittarius Mining Company sa Davao del Sur dahil sa kabiguang mag­bayad ng revolutionary tax ng may-ari ng minahan. Joy Cantos

vuukle comment

ARMED FORCES

DAVAO

DAVAO CITY

EASTERN MINDANAO

EASTERN MINDANAO COMMAND SPOKESMAN MAJOR ARMAND RICO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with