Sulyap Balita
Adik namaril; 4 malubha
LEGAZPI CITY, Albay – Apat-katao ang iniulat na malubhang nasugatan makaraang mamaril ang isang lalaki na nagnakaw ng baril sa loob ng kampo ng Phil. Army sa Sitio Pajak, Barangay San Pedro sa bayan ng San Pascual, Masbate kamakalawa ng tanghali. Ang mga biktimang ginagamot sa San Pascual District Hospital ay sina Milagros Ballena, 60; Paulino Luchavez, 73; Reynante Cantillado, at si Edgar Ballena. Tugis naman ng pulisya ang suspek na si Joseph Dela Torre. Lumilitaw sa inisyal na imbestigasyon na sinamantala ng suspek na nanananghalian ang mga sundalo saka pumasok ng kampo at tinangay ang isang M16 Armalite rifle. Nang makasalubong ang apat na biktima ay pinagbabaril ang mga ito. May teyorya ang pulisya na adik sa droga ang suspek. (Ed Casulla)
SK chairman utas sa trak
Napaaga ang salubong ni kamatayan sa isang Sangguniang Kabataan chairman makaraang masalpok ng trak sa bisinidad ng Barangay Nilombot sa bayan ng Asingan, Pangasinan kamakalawa. Naisugod pa sa ospital subalit hindi na umabot ng buhay si Prince Paul Piso, samantalang sumuko naman sa pulisya ang drayber ng Elf truck (REV-231) na si Narciso Ronquello Jr. Base sa ulat na nakarating sa Camp Crame, sakay ng Yamaha motorcycle (2409-AE) ang biktima patungong eskuwelahan nang mahagip ng trak bandang alas-7 ng umaga. (Danilo Garcia)
P30M ari-arian naabo
Tinatayang aabot sa P30 milyong ari-arian ang naabo makaraang masunog ang apat na malalaking bahay sa Barangay Poblacion, San Pascual, Batangas kahapon ng madaling-araw. Base sa inisyal na ulat, bandang alauna ng madaling-araw nang magising si Tony Mendoza na nagliliyab ang kisame ng kanyang bahay kaya mabilis nitong ginising ang kapatid na si Loreta para makahingi ng tulong sa mga kapitbahay. Wala naman iniulat na nasawi sa naganap na sunog na pinaniniwalaang faulty electrical wiring, ayon sa ulat. Napag-alamang humingi ng saklolo ang San Pascual fire marshals sa mga kalapit na fire station sa bayan ng Bauan,
- Latest
- Trending