^

Probinsiya

Truck ban sa mga lalawigan ilulunsad

-

Nakatakdang ipatupad ang  nationwide synchronized truck ban sa buong ka­puluan upang maba­wasan ang luma­lalang bilang ng sakuna at pagpapaluwag ng trapik sa mga kalsada.

Base sa inilabas na me­morandum circular ng Department of Interior and Local Government (DILG) para sa mga gobernador na isa­gawa ang truck ban hours bago sumapit ang Setyem­bre 15 ma­tapos makipag­konsul­tasyon sa mga truck companies.

Hindi naman kabilang sa truck ban ang mga sasak­yan na magde-deliver ng anu­mang pagkain, mga pang-export, mga trak ng basura, bumbero, militar, ambulansya at trak ng pamahalaan na nagbibiyahe ng mga materya­les para sa proyekto ng gob­yerno.

Pinaalalahanan din ni Sec. Ronnie Puno ang mga gober­nador na ipatupad ang pro­bisyon ng Republic Act 8794 o Anti-Overloading Law.

Inatasan rin nito ang lahat ng DILG regional director na isumite ang kanilang status report sa pagtupad ng lahat ng gobernador sa truck ban circular bago sumapit ang Oktubre 3.

Ang truck ban at alinsu­nod sa Section 5 ng Executive Order # 712 ni Pangu­long Arroyo kung saan nakasaad: “the Department shall subject to existing law, establish, and implement uniform truck ban hours that shall be applicable to local government units (LGUs) located in a common area nationwide.” (Danilo Garcia)

ANTI-OVERLOADING LAW

DANILO GARCIA

EXECUTIVE ORDER

REPUBLIC ACT

RONNIE PUNO

SHY

TRUCK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with