^

Probinsiya

Kriminalidad sa Cavite bumaba

-

TRECE MARTIRES CITY, Cavite – Isa sa ipi­nagmama­laki ng Cavite ang pagbaba ng krimina­lidad at pagtaas ng Crime Solution Efficiency kung saan sa naitalang 364 kri­men, lumalabas na 328 ang nabig­yang lunas para sa 90.10 porsiyentong CSE rating.

Sa kasalukuyang talaan ng Cavite Police Provincial Office, makikita ang mala­king agwat ng pagbaba ng kriminalidad sa Cavite, ipinagkaloob ni Cavite Gov. Ayong S. Maliksi, katu­wang si P/Senior Supt. Her­nando Mendoza Zafra sa mga bayan ng Silang, Tagaytay at Imus PNP ang sertipiko ng pag­kilala sa kanilang ipina­kitang katapangan at dedikas­yon sa tungkulin.

Wala namang naitalang kaso ng kidnapping sa ikala­wang bahagi ng 2008 habang aabot naman 72-operations laban sa illegal at loose firearms ang na­isagawa na ang resulta sa pagkakaaresto ng tatlong wanted.

Samantala, may kabu­uang 22 anti-illegal gambling operations ang na­ilunsad na nag­resulta sa pagkakadakip ng 60-katao.

Kasunod nito, aabot na­man sa anim na operas­yon laban sa illegal fishing ang isi­nagawa ng pulisya kung saan 72-katao ang naaresto at nakumpiska­han ng iba’t ibang uri ng isda.

 “Sa tulong ninyo, at sa masidhing adhikain ng kapu­lisan na paigtingin ang  pag­si­sikap na panga­lagaan ang ka­pakanan ng lahat ng mga ma­mamayan ng Cavite, makaka­mit natin ang minimithi nating kapa­yapaan,” dagdag pa ni Gov. Maliksi.

AYONG S

CAVITE

CAVITE GOV

CAVITE POLICE PROVINCIAL OFFICE

CRIME SOLUTION EFFICIENCY

MALIKSI

MENDOZA ZAFRA

SENIOR SUPT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with