2 kontratistang kinidnap nailigtas
Matapos ang ilang araw na pagkakabihag, nailigtas ng mga awtoridad ang dalawang kontratista ng Globe Telecoms na kinidnap ng mga bandidong Abu Sayyaf makaraang salakayin ang safehouse ng mga kidnaper sa Sitio Bohe Bessey sa Barangay Tuburan sa bayan ng Mohammad Ajul, Basilan, noong Biyernes ng gabi.
Ang dalawa na sumailalim sa debriefing at medical check-up sa
Ayon sa report na isinumite sa Camp Crame, sinabi ni PSenior Supt. Salik Macapantar na sinalakay ng pinagsanib na elemento ng Regional Intelligence Division sa pamumuno ni PO1 Kasmim Maulod at Basilan PPO na pinamumunuan naman ni PO2 Faisal Alih, ang safehous ng mga kidnaper na humihingi ng P3 milyong ransom.
Papatakas sa lugar ay pinaputukan pa ng mga kidnaper ang search and rescue team ng pulisya na nauwi sa maikling putukan bago nagsitakas at iniwan ang dalawa.
Magugunita na ang dalawa ay kinidnap noong Miyerkules ng Hulyo 16 habang patungo sa bayan ng Tuburan upang magsagawa sana ng pag-iinspeksyon sa cell site na pagmamay-ari ng Globe Telecoms. Joy Cantos
- Latest
- Trending