Tsinoy sabit sa ‘condolence’

CALAPAN CITY, Oriental Mindoro – Pinaghahanap ngayon ng pulisya ang isang mayamang Tsinoy na may-ari ng isang gasolinahan pagka­tapos nitong barilin at mapatay ang isang driver ng pampasa­herong van sa mismong ga­so­linahan sa bayan ng Pinama­layan sa lalawigang ito nitong nakalipas na Miyerkules.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Mathew A. Solas, 37, may-ari ng van na puma­pasada sa biyaheng Calapan- Pinamalayan. Dumadalo sa isang miting ng mga van drivers si Solas nang dumating ang suspek na si Luise Luther Ong, manager ng Caltex gasoline station sa Mabini St. sa na­sa­bing bayan, sakay ng mo­tor­siklo at sinabihan ang bik­tima ng “condolence.” Matapos ang pagba­banta, biglang itong uma­lis pa­tungo sa kanyang ga­solinahan. Sinundan ng biktima ang sus­pek hanggang sa gaso­linahan nito pero pi­nag­babaril ng huli ang una. (Juancho Mahusay)

Show comments