Trader kinatay ng magnanakaw
Albuera, Leyte – Isang 78 anyos na negosyanteng si Rosena A. Mendoza ang tinadtad ng saksak hanggang mapatay ng hindi pa nakikilalang salarin sa loob ng kanyang bahay sa Barangay Balugo 1 sa bayang ito kamakalawa ng gabi.
Nanonood ng telebisyon sina
Sinabi ni Panganuron sa pulisya na nawalan siya nang malay nang tapalan ng suspek ng panyo ang kanyang mukha. Nang magkaulirat siya pagkaraan ng 30 minuto, nakagapos na siya sa isang poste. Nagsisigaw siya hanggang marinig siya ng mga kapitbahay na tumawag ng pulis. Natagpuan kinalaunan ang bangkay ng negosyante na nagtamo ng 10 tama ng saksak sa katawan.
Nawawala rin ang isang bag ng biktima na naglalaman ng P10,000 kinita niya sa pagbebenta ng mga baboy. (Roberto Dejon)
- Latest
- Trending