CEBU – Pinagtulungan patayin ang isang 21-anyos na magsasaka ng magpinsan noong Lunes ng hapon sa Sitio Mangadlaw, Barangay Cabalawan sa bayan ng Sogod, Cebu.
Kinilala ng pulisya ang napatay na si Anecito Modequillo Talingting 21, na nagtamo ng maraming sugat ng itak sa katawan matapos pagtulungang patayin ng mga suspek na sina Renante Bregente Andales, 24 at Christom Bregente Rivera.
Ayon kay SPO3 Joe Miller Baticuang ng Sogod PNP, ang biktima ay sina sabing nagsimula ng kaguluhan matapos nitong pagtatagain ang magpinsan dahil sa narinig na impormasyong balak siyang patayin.
Napag-alamang nangunguha ng damong ipapakain sa baka at kabayo ang biktima nang mamataan ang mga suspek na papalapit kaya inabangan nito ang dalawa sa daraanan.
Unang tinamaan ng ka rit si Renante sa ulo at natapyas ang pisngi nito pati na rin ang taynga at sa tagiliran.
Sinubukang tulungan ni Christom ang pinsan ngunit pati siya ay tinaga rin ni Talingting sa ulo at braso.
Gayon pa man, nagawang yapusin ni Christom si Talingting kaya’t nagkaroon ng pagkakataon si Renante na maagaw ang karit saka ito pinagtulungang bagsakan ng malaking bato sa ulo.
Sumuko naman sa pu lisya ang magpinsan at saka isinugod sa ospital. Edwin Ian Melecio