Pulis todas sa NPA attack

CAMARINES NORTE – Isang alagad ng batas ang iniulat na nasawi habang apat naman ang nasugatan kabilang na ang dalawang pulis makaraang atakihin ng mga rebeldeng New People’s Army ang minahan sa Sitio Dumag­mang, Barangay Nalisbitan, Labo, Camarines Norte kahapon ng umaga. Kinilala ang napatay na si PO1 Rodel Lasim, 27, ng Barangay 5, samantalang ginagamot naman sa Camarines Norte Provincial Hospital ang mga sugatan sina PO1 Darius Barrios, 32; at PO1 Billy Palencia, 29, ng Brgy. Alawihao na pawang nakatalaga sa 5th Police Regional Mobile Group at ang dalawang sundalo ng Army’ 31st Infantry Battalion na hindi nabatid ang pagkikilanlan. Base sa ulat, sinalakay ng mga rebelde ang El Dore Mining Corp. kung saan rumesponde ang mga biktima. Tumagal ng 30-minuto ang palitan ng putok hanggang sa mapatay si PO1 Lasim. Francis Elevado at Ed Casulla

Show comments