Holdaper, 2 negosyante utas

LIPA CITY, Ba­tangas  — Dalawang ne­gosyanteng babae at isang ’di-pa kilalang lalaki na pinaniniwa­la­ang holdaper ang ini­ulat na napatay ma­tapos maganap ang holdapan sa bahagi ng Lipa City, Batangas  kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Supt. Pru­dencio Legaspi, hepe ng Lipa City PNP, ang dalawa na may ne­gosyong money lending na sina Adelaida Casilag, 42; at Ruby Asombrado, 32, kapwa naninirahan sa Purok 4, Barangay Sico, Lipa City.

Ayon sa police report, naglalakad ang dalawang biktima sa may Purok 5 ng Ba­rangay Sico nang ha­ra­ngin at pagbabarilin ng tatlong armadong lalaki na sakay ng mo­torsiklo.

Tinangay ng tatlo ang handbag ng mga biktima bandang alas-9 ng gabi.

Sa follow-up operation ng pulisya, natag­pu­ an ang motorsiklong ginamit ng mga hol­da­per na nakasubsob sa kanal kung saang na­tag­puan din ang isang ’di-pa kilalang lalaki na sugatan at may tama ng bala ng baril.

May teorya ang pu­lisya na posibleng nag­talu-talo ang tat­long holdaper hang­gang sa mauwi sa ba­rilan na ikinamatay ng isa ha­bang ginagamot sa ospital ang isa pang suspek na si Errol Le­gaspi, 33, ng Sitio Sto. Toribio, Barangay Ma­raouy, Lipa City.

Nagsasagawa pa rin ng follow-up operation ang mga awtori­dad para hanapin ang dalawa pang suspek na nakatakas.

Show comments