^

Probinsiya

4 todas sa bakbakan

-

Madugong kamatayan ang sinapit ng apat na rebeldeng New People’s Army (NPA) habang apat naman ang  nasugatan ka­bilang ang dalawang sun­dalo sa naganap na mag­kakahiwalay na bakbakan sa CARAGA Region kahapon ng umaga at kamakalawa.

Napag-alamang su­mik­lab ang sagupaan noong Sabado sa pagitan ng Reconnaissance Company ng Army’s 30th Infantry Battalion laban sa sampung re­belde sa liblib na bahagi ng Barangay Daywan, Claver, Surigao del Norte.

Tumagal ng 45-minuto ang bakbakan na nagresulta sa pagkasugat ni Pfc Buas na ngayon at nasa Miranda Hospital sa Surigao City.

Sa ulat naman ni AFP-Western Mindanao Command Spokesman Major Armand Rico, nakasagupa naman ng 42nd Division Reconnaissance Company ang grupo ng Front Committee 3 sa bisinidad ng Sitio La­masaya sa Brgy. La Fortuna sa bayan ng Veruela, Agu­san del Sur.

Umabot sa 25 minuto ang palitan ng putok hang­gang sa mapatay ang apat na rebelde base na rin sa salaysay ng mga residen­teng nakasaksi sa sagu­paan.

Nabatid na nasugatan sa mukha si  Pfc Reynante Sacote habang dalawa rin ang sugatan sa mga rebelde na nakita ng tropa ng militar na binitbit ng mga nag­sitakas nilang kasamahan.

Patuloy naman ang operasyon ng tropa ng militar laban sa nagsitakas na mga rebelde. Joy Cantos

BARANGAY DAYWAN

DIVISION RECONNAISSANCE COMPANY

FRONT COMMITTEE

INFANTRY BATTALION

JOY CANTOS

LA FORTUNA

MIRANDA HOSPITAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with