^

Probinsiya

2 kidnapper todas sa shootout

- Edwin Balasa -

Rizal – Patay ang da­lawang pinaniniwalaang miyembro ng Waray-Waray kidnap for ransom group makaraang makipag-eng­kuwentro sa pulisya sa isang checkpoint kahapon ng madaling-araw sa Ca­inta, Rizal.

Ayon kay Supt. Nereo Torrecampo, hepe ng Ca­inta police, ang mga na­sawing suspek na sina Antonio Mentes Jr. 36, ng San Isidro, Mc Arthur, Leyte at Ricardo Aminos 30, naka­tira naman sa Pasig City, ay ang mga nakatakas na mga kasama ng apat na na­unang napas­lang na mga kidnapper sa Antipolo City nang makipag­barilan din sa mga ito sa otoridad noong Hunyo 30.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong ala-1:00 ng madaling-araw sa ka­habaan ng ROTC Hunters, Barangay San Juan ng na­sabing bayan.

Nauna dito, dumaan ang mga suspek na mag­kaang­kas sa isang walang pla­kang motorsiklo at wa­lang suot na helmet sa isang checkpoint ng Cainta Police sa kanto ng Junction at Felix Avenue, Ortigas Extension.

Dahil dito, pinatigil ng pu­lisya ang mga ito subalit im­bes na huminto ay ma­bilis pa nilang pinatakbo ang motor­siklo palayo sa checkpoint.

Agad na hinabol ng pu­lisya ang mga suspek hang­gang sa magkabarilan ang magkabilang panig.

Nasukol ang mga sus­pek sa Barangay San Juan at napatay ng pulisya.

Base sa nabasang text message na nakuha sa mga cell phone ng mga suspek, minamanmanan ng mga ito ang isang ne­gosyanteng Filipino-Chinese na nakatira sa isang kilalang subdibisyon sa nasabing bayan na balak nilang kidnapin.

ANTIPOLO CITY

ANTONIO MENTES JR.

BARANGAY SAN JUAN

CAINTA POLICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with