Apatnapu’t walong mag-aaral sa Igtubili Elementary School ang naospital matapos na malason sa feeding program sa bayan ng Tubungan, Iloilo kaha pon ng umaga. Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, pawang nasa edad 9 hanggang 10-anyos mula sa grade IV ang isinugod sa Guimbal District Hospital matapos mahilo at dumanas ng matinding pananakit ng tiyan. Nabatid na sumailalim sa feeding program ang mga biktima kung saan ay pinakain ng sinabawang monggo, saging at malunggay na may halong sardinas. Patuloy namang inoobserbahan ang kondisyon ng mga batang biktima habang sinusuri naman ang mga sample ng pagkain. Joy Cantos