^

Probinsiya

7 patay sa diarrhea

-

Umabot sa pito-katao ang iniulat na nasawi habang  71 iba pa ang naratay  makaraang mana­lasa ang  diarrhea sa Guilhulngan City at tatlo pang bayan sa Negros Oriental, ayon sa ulat kahapon. Sa report na tinanggap kahapon ng Office of Civil Defense, mula sa Department of Health (DOH) sa Central Visayas, karamihan sa mga bitkima ay mula sa Guilhulngan City. Maliban sa Guilhulngan City ay kabilang pa ang mga bayan ng Valle­her­moso, Tayasan at Jimalalud na sinalanta ng diarrhea.  Sa pitong nasawi, anim dito ay mula sa lung­sod ng Guilhulngan at isa naman ay mula sa bayan ng Tayasan. Sinabi naman ni Dr. Socrates Villamor, hepe ng Epidemiology Surveillance Unit sa Negros Oriental, tiniyak nito na walang diarrhea outbreak sa mga apektadong lugar. Base naman sa resulta ng pangunang pagsusuri ng Regional Epidemiology Surveillance Unit ng DOH-Central Visayas ang diarrhea outbreak ay sanhi ng bagyong Frank kung saan nasira ang mga tubo na daluyan ng ma­­li­nis na inuming tubig. Kaugnay nito, pinayuhan naman ng mga health official ang mga residente na pakuluan munang mabuti ang tubig na iniinom upang makaiwas sa sakit na diarrhea. Joy Cantos

CENTRAL VISAYAS

DEPARTMENT OF HEALTH

DR. SOCRATES VILLAMOR

EPIDEMIOLOGY SURVEILLANCE UNIT

GUILHULNGAN

GUILHULNGAN CITY

NEGROS ORIENTAL

PLACE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with