P1.2B pondo para sa silid-aralan

Natugunan ng Pamaha­alang Panlalawigan ng Rizal ang mga problema sa kaku­langan ng silid-aralan sa 13 ba­yan at isang lungsod sa pama­magitan ng pagtatayo ng mga eskuwelahan sa nakalipas na limang taon.

Sa ulat ni Provincial Engineer Luisito Munsod, sina­bi Rizal Gov. Jun Ynares III, na na­ka­pagpa­tayo ang Pa­ma­halaang Panla­lawigan ng 235 eskuwelahan na nagka­kaha­laga ng P1.2 bilyon na may 1,222 silid-aralan sa 14 muni­sipalidad noong 2003 hang­ gang 2008.

Bukod sa mga silid-ara­lan ay naglaan P66.5 mil­yong pon­­do para sa pagbili ng mga mesa, upuan, computer at mga libro.

Aabot sa P4 milyong pon­do mula sa pamaha­laang nas­­yonal ay ginamit para makabili ng 31,300 libro na ipinama­hagi sa 196 es­ku­welahan sa 188 ba­­rangay sa Rizal.

Bilang bahagi ng progra­ ma sa edukasyon, ang Pama­halaang Panlalawigan ay may nakalaang halaga sa libu-libong guro na hindi pa kasama sa plantilya ng DepEd.

Aabot naman sa walong satellite campuses ng University of Rizal System ang na­ipa­tayo mula sa pondo ng Pa­ma­halaang Panlalawigan na nakig-ugnayan sa Technical Education and Skills Development Administration (TESDA) para sa teknikal at bokesyonal na kurso.

“Prayoridad sa talaan ng aking administrasyon ay ang edukasyon at ito ay maka­pagpapatunay ay ang libreng pag-aaral mula sa elemen­tarya hanggang kolehiyo sa pamamagitan ng mga  pro­grama na ginawa na bago pa man ako makapuwesto bi­lang gobernador ng Rizal,” paha­yag pa ni Yñares.

Show comments