P1.2B pondo para sa silid-aralan
Natugunan ng Pamahaalang Panlalawigan ng Rizal ang mga problema sa kakulangan ng silid-aralan sa 13 bayan at isang lungsod sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga eskuwelahan sa nakalipas na limang taon.
Sa ulat ni Provincial Engineer Luisito Munsod, sinabi Rizal Gov. Jun Ynares III, na nakapagpatayo ang Pamahalaang Panlalawigan ng 235 eskuwelahan na nagkakahalaga ng P1.2 bilyon na may 1,222 silid-aralan sa 14 munisipalidad noong 2003 hang gang 2008.
Bukod sa mga silid-aralan ay naglaan P66.5 milyong pondo para sa pagbili ng mga mesa, upuan, computer at mga libro.
Aabot sa P4 milyong pondo mula sa pamahalaang nasyonal ay ginamit para makabili ng 31,300 libro na ipinamahagi sa 196 eskuwelahan sa 188 barangay sa Rizal.
Bilang bahagi ng progra ma sa edukasyon, ang Pamahalaang Panlalawigan ay may nakalaang halaga sa libu-libong guro na hindi pa kasama sa plantilya ng DepEd.
Aabot naman sa walong satellite campuses ng
“Prayoridad sa talaan ng aking administrasyon ay ang edukasyon at ito ay makapagpapatunay ay ang libreng pag-aaral mula sa elementarya hanggang kolehiyo sa pamamagitan ng mga programa na ginawa na bago pa man ako makapuwesto bilang gobernador ng Rizal,” pahayag pa ni Yñares.
- Latest
- Trending