^

Probinsiya

Smugglers naglayasan sa Cebu

-

Lumipat na umano sa ibang mga lalawigan ang mga car smuggling syndicate na kumikilos sa Cebu dahil sa paghihigpit ng Bureau of Customs.

Sinabi ni BOC Intelligence and Enforcement Group Chief Celso Templo sa isang pulong-balitaan na ang mga dating ku­mikilos na sindikato sa Port of Cebu ay nagsilipa­tan na sa General Santos City; Port Irene sa Cagayan Valley; Port of Davao; Ca­gayan de Oro at maging sa Port of Manila at Manila International Container  Port sa Maynila.

Idinagdag ni Templo na iniiwasan ng mga sindikato ang magpasok ng puslit na “luxury vehicles” sa Cebu dahil sa ibayong paghi­higpit ng mga otoridad matapos na tagurian itong “smuggling hotspot,” sa bansa.

Matatandaan na kama­kailan, umaabot sa 7,000 mga smuggled na luxury vehicles ang natagpuan kama­kailan na iligal na nairehistro sa Land Transportation Office-Region 7 na naging da­hilan ng pag­kakadiskubre ng anomalya sa smuggling sa lalawigan. (Danilo Garcia)

vuukle comment

BUREAU OF CUSTOMS

CAGAYAN VALLEY

CEBU

DANILO GARCIA

GENERAL SANTOS CITY

INTELLIGENCE AND ENFORCEMENT GROUP CHIEF CELSO TEMPLO

LAND TRANSPORTATION OFFICE-REGION

MANILA INTERNATIONAL CONTAINER

PORT IRENE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with