ORANI, Bataan – Malamang nasa ilalim ng ipinagbabawal na gamot ang isang magkapatid na kapwa menor-de-edad matapos nilang burdahan ng saksak at mapatay ang isang caretaker ng isang poultry farm na si Nelson de Guzman, 40, noong Hulyo 4 ng madaling-araw. Ito ang hinihinala ng pulisya makaraang madakip ang mga suspek kamakalawa sa Barangay Doña, Orani. Malamig na rehas na bakal sa Bataan Provincial Jail ang kinasadlakan ng magkapatid sa ina na sina Nikki Garcia, 18 anyos, at Amos Villamor, 16, kapwa binata at walang trabaho ng naturang Barangay.
Lumilitaw sa imbestigasyon na pinatay ng magkapatid si de Guzman nang magselos ang isa sa mga suspek dahil kinakausap ng biktima ang kursunada niyang guest relation officer sa isang videoke bar. (Jonie Capalaran)