AURORA – Naglaan ng karagdagang 5,000 ektarya ng lupain ang Department of Agriculture sa lalawigang ito upang makatulong na makadagdag sa suplay ng produksiyon ng mais sa bansa.
Sa ulat na ipinarating ni DA Asst. Secretary Dennis B. Araullo kay DA Secretary Arthur Yap, ang 5,000 lupain na iyon ay inaasahang makakadagdag ng 25,000 metriko toneladang mais.
Noong nakalipas na taon ay nakapag-ani ang Aurora ng 17,500 at 16,900 tonelada ng yellow corn at 600 tonelada ng white corn mula sa 3,500 ektarya ng maisan.
Kabilang sa mga tinukoy ng DA na malaki ang posibilidad na makukuhanan ng malaking produksyon ng mais ang mga bayan ng Casiguran, Dinalongan, Dilasag at Maria Aurora. Christian Sta. Ana